GOC00006 - 12 Gifts Of Christmas: Pasko Na, Jacinta Ko

price
PHP 42.00
Author(s)
Mandie Lee

GOC00006 - 12 Gifts Of Christmas: Pasko Na, Jacinta Ko

“Hanggang tingin na lang sa `yo ang mga lalaking nakakasalubong natin. Kapag akbay-akbay kita, alam nilang akin ka na.”

Magpa-Pasko at gipit sa pera si Jace dahil nawalan siya ng trabaho. Ang saklap. No money, no honey na nga siya sa Pasko, no family pa siya dahil ulilang-lubos na siya. Napilitan tuloy siyang pumayag sa plano ni Damon na magpanggap silang magpapakasal upang makakuha ito ng pera mula sa mga magulang nito.
Madali lang para kay Jace ang magpanggap dahil beki naman si Damon. Walang magiging malisya ang mga lambingan nila, pati na ang pagtatabi nila sa kama.
Kaso, nagpapanggap lang pala si Damon! Hindi ito bading.Lalaking-lalaki ito at nakakawala ng katinuan ang maiinit nitong halik. At dahil feel na feel ni Jace ang pagpapanggap nilang magnobyo ay tinubuan tuloy siya ng pag-ibig nang hindi oras. Ngunit tila walang importante kay Damon kundi pera, at isang magandang babaeng Aila ang pangalan.
As usual, magiging malamig na naman ang Pasko ni Jace. Hashtag forever alone na lang ba siya?

social media

Categories