BVS00001 - Be My Valentine Series 1: Be My Sugar

price
PHP 85.00
Author(s)
Jasmine Esperanza

BVS00001 - Be My Valentine Series 1: Be My Sugar

“Siguro mawawala ang iba sa akin pero hindi ikaw. I am so lucky that I have you.”

Kapwa sawi sa pag-ibig sina Portia at Jack.
Si Portia, iniwan ng boyfriend na si Kit at ipinagpalit sa iba. Si Jack naman, tinanggihan ang marriage proposal nang mag-propose ng kasal sa girlfriend na si Via.
Ang pinakamasaklap sa lahat ng masaklap, nabalitaan nina Portia at Jack na ikakasal na sina Kit at Via!
Hindi makakapayag si Portia na maunahan siyang pakasal ng mga taksil. Kaya inalok niya si Jack ng... yes, kasal.
Pero ang sagot nito, “Ayaw.” At nang mamilit siya, sinabi nitong, “Huwag kang makulit, okay?”
Hindi nawalan ng pag-asa si Portia. Pero tigas sa pag-ayaw si Jack kaya sumuko na rin siya. Nang gabing nag-inuman sila at nakatulog si Jack, kinausap niya ito at sinabing hindi na niya ipipilit ang gusto.
Kaya laking gulat ni Portia nang paggising kinabukasan ay sinabi ni Jack, "”Matutupad na ang pangarap mo. Bago matapos ang araw na ito ay kasal na tayo.”
Ano'ng nangyari habang tulog siya?

social media

Categories