CPO005 - Calle Pogi Series 5: HARU

price
PHP 42.00
Author(s)
Sonia Francesca

CPO005 - Calle Pogi Series 5: HARU

"Lahat naman ng nagmamahal ay takot masaktan. It's all a part of the game called 'love.' But if you don't take risks, you wouldn't know the true meaning of the word."

Umuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban mula sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan.

Sanay na si Fara sa mga ganoong sitwasyon ng binatang kaibigan at kapitbahay niya. Parang naging ritwal na sa kanila na tuwing uuwi itong sugatan dahil sa trabaho nito ay siya ang nag-aasikaso rito.

Harmonious. Iyon ang maitatawag niya sa relasyon nila. Nagulo lamang iyon nang mag-umpisang magpakita ito ng mga senyales na higit pa sa kaibigan ang tingin nito sa kanya.

Dahil mabilis namang maka-pick up ang puso niya at may lihim siyang pagmamahal dito ay nagtapat siya ng pag-ibig dito. Pero hindi ang inaasahan niya ang naging tugon nito.

"Thanks for the feelings, Fara."

Ganoon lamang ba iyon? Paano na ang puso niyang binulabog nito?

social media

Categories