IGS0004 - Insta Groom Series 4: Baron

price
PHP 42.00
Author(s)
Dawn Igloria

IGS0004 - Insta Groom Series 4: Baron

“Mananaginip ako ngayong gabi. At sa panaginip ko, walang eepal. I’ll see you eye to eye. At kung susuwertehin ako, mahahawakan ko ang kamay mo. Or if I might get luckier, be rewarded with a kiss, too.”

Matinding frustrations ang ibinigay ni Tita Veronica kina Rowela at Baron. Mala-Lola Nidora ang peg ng ultraconservative spinster guardian ni Rowela. Para silang inilagay ng matanda sa dalawang magkaibang trap na ang mga lock ay mabubuksan lang pagkatapos ng mahabang time delay.
Pero ayos lang iyon kay Baron—ang guwapong bakasyunista at bokalista ng acoustic band na Crazy Hotshots. Okay lang sa binata na nakabantay sa kanila si Tita Veronica, nakikinig sa usapan, at kasama sa pagpi-picnic. Pero alam ni Rowela na tulad niya ay gusto rin ni Baron na makapagsolo sila.
Ang kaso, nang makasilip sila ng pagkakataon ay nagkaaberya naman. Ang ending: gusto ni Tita Veronica na maikasal sila ni Baron sa lalong madaling panahon. Pero dahil hindi pa nakakapirma sa parental consent ang ama ni Rowela ay hindi sila mabigyan ng marriage license. “Walang mangyayaring honeymoon ngayong gabi… Kasal lang kayo sa seremonya,” sabi ni Tita Veronica. Nang gabing iyon, inakyat ni Baron ang kuwarto ni Rowela.
Pero nagsisimula pa lang sila sa honeymoon, kumatok si Tita Veronica. “Samahan mo akong matulog ngayong gabi, Rowela.” Kailan ang tamang panahon para sa bagong mag-asawa?

social media

Categories