POD00004 - Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido Series 4: Beyond Destiny

price
PHP 39.00
Author(s)
Maxine del Carmen

POD00004 - Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido Series 4: Beyond Destiny

“I don’t care about the other girls.I only see you.”

Isang misteryosong lalaki ang nagbigay kay Prima ng isang kuwintas na may pendant na wishbone. Tutuparin daw niyon ang kanyang mga pangarap. Palibhasa naghihirap sa buhay ang kanyang pamilya, pinanghawakan niya ang pangakong ibibigay ng kuwintas. Ngunit lumipas ang panahon ay wala pa ring naging pagbabago sa buhay niya.
Hanggang sa makilala niya si Joven sa Party of Destiny. Sa unang pagkakataon ay lumigaya siya at ang binata ang dahilan ng kaligayahang iyon. Ang akala niya ay wala na iyong katapusan.
Pero laking gulat ni Prima nang malamang si Joven at ang lalaking nagbigay sa kanya ng kuwintas noon ay iisa. At may istorya pala sa likod ng kuwintas—isang rebelasyon na labis na dumurog sa kanyang puso, at nagpaguho sa kanyang pangarap na magkaroon ng isang masayang hinaharap kasama ang lalaking minamahal…

social media

Categories