RSS00001 - Randy's Sweetheart Series 1: My Enemy, My Dream Girl

price
PHP 42.00
Author(s)
Kimberly Lace

RSS00001 - Randy's Sweetheart Series 1: My Enemy, My Dream Girl

“Nangako kang hindi mo na ako guguluhin. Pero noong hindi na kita nakikita, parang lalong nagulo ang mundo ko.”

Umuwi sa Pilipinas si Mary Jane dahil sa bantang pagpapakamatay ni Jemimah, ang kaisa-isa at bunso niyang kapatid. Buntis daw ito at tinakbuhan ng lalaking sobrang mahal na mahal nito. Hindi naman nagdalawang-isip si Mary Jane na kausapin si Dash Angelo Villegas—ang lalaking sinasabi ng kapatid na nakabuntis dito—pero hindi sinipot ng lalaki ang kanyang appointment at dine-dead-ma ang mga tawag niya. Hindi yata siya papayag na maagrabyado ang kapatid niya. Dahil doon ay naging dakilang stalker siya ni Dash. Pero habang unti-unting nakikilala ang lalaki ay nagsimulang ma-confuse sa nangyayari si Mary Jane. Unti-unti na rin kasi siyang naniniwala na hindi si Dash ang nakabuntis kay Jemimah. Isinumpa pa iyon ng lalaki sa ngalan ng namayapa nitong ina. Ang masama pa, natagpuan ni Mary Jane ang sarili na nahuhulog na rin sa lalaki. At ang pinakanakakawindang sa lahat? Nagdeklara si Dash na mahal siya nito.

social media

Categories