QTF00001 - Gotta Catch Your Heart

price
PHP 45.00
Author(s)
2017-05-24 11:35:15

QTF00001 - Gotta Catch Your Heart

“Yes, it hurts to let go. But sometimes it hurts more to hold on.” 

 

Isa si Roxanne sa nahu-hook sa larong kinababaliwan ngayon ng hindi lang mga bata kundi pati ng matatanda: ang Pokémon GO. Sa kagustuhang mahuli si Jigglypuff, nag-trespass siya sa isang malaking bahay na mukhang haunted house sa sobrang dilim. Malapit na niyang mahuli ang Pokémon nang may sumingit na galit na boses. Paglingon niya, nakakita siya ng isang lalaking naka-wheelchair, mahaba ang buhok, natatakpan ang mukha ng bigote at balbas at nanlalalim ang mga mata. Pinagbantaan siya ng lalaki na ipapupulis dahil sa pagte-trespass.

Hindi nangyari ang banta. Sa katunayan, naging therapist pa siya ng masungit na lalaki—si Dane Montelibano, na guwapo naman pala. Isa rin itong mayamang hotel casino owner.

Hindi lang mga binti ni Dane ang kinailangang ibalik ni Roxanne sa normal kundi pati ang buhay nito. Hindi pa kasi nakaka-move on ang lalaki sa aksidenteng ikinamatay ng mga mahal nito sa buhay at naging dahilan kung bakit hindi ito makalakad.

Determinado si Roxanne na tulungan si Dane. At dahil araw-araw niya itong nakakasama sa kabila ng pagsusungit nito, hindi niya napigilan ang sarili na ma-in love sa lalaki.

Kung noon ang interes niyang hulihin ay Pokémon, ngayon naman ang mailap na puso ni Dane ang gusto niyang hulihin. “Mukhang sa panghuhuli mo ng Pokémon ay iba ang nahuli ng puso mo,” tukso ng kaibigan niyang si Mich.

Kailangan muna yata ni Roxanne na maging Pokémon master…

social media

Categories